Pagdedeklara sa CPP-NPA bilang teroristang grupo, mananatili – Duterte

By Angellic Jordan April 29, 2018 - 02:58 PM

Inquirer file photo

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na mananatili ang proklamasyong nagdedeklara sa Communist Party of the Philippines (CPP) at New People’s Army (NPA) bilang isang teroristang grupo.

Ayon sa Punong Ehekutibo, hindi pa oras para alisin ang naturang proklamasyon sa grupo.

Dagdag pa nito, mandato niya bilang pangulo na protektahan ang buhay ng mga Pilipino at gawing komportable ang mamumuhay.

Pinirmahan ni Duterte ang proklamasyon noong December 2017 kasunod ng Republic Act 10168 o Terrorism Financing Prevention and Suppression Act of 2012.

Matatandaan ring inimbitahan ni Duterte si CPP founding chairman Jose Maria sision na bumalik sa Pilipinas para pag-usapan ang kapayapaan.

TAGS: CPP founding chairman Jose Maria Sison, CPP-NPA, Rodrigo Duterte, Teroristang Grupo, CPP founding chairman Jose Maria Sison, CPP-NPA, Rodrigo Duterte, Teroristang Grupo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.