Pari sa Gattaran, Cagayan patay matapos pagbabarilin

By Angellic Jordan April 29, 2018 - 02:35 PM

Tuguegarao City News Photo

Dead-on-the-spot ang isang pari makaraang pagbabarilin pagkatapos magsagawa ng misa sa Gattaran, Cagayan, Linggo ng umaga.

Ayon kay CInsp. Rodel Tabulog, hepe ng Gattaran police, nilapitan at binaril ng hindi pa nakikilalang salarin ang biktimang si Fr. Mark Anthony Ventura pagkatapos ng isinagawang misa sa isang gymnasium sa Barangay Piña Weste dakong 8:00, Linggo ng umaga.

Si Fr. Ventura ay mula sa San Isidro Labrador ng Barangay Maubo.

Aniya, nakatakas agad ang suspek matapos dali-daling sumakay sa isang motorsiklo na nakaabang sa lugar.

Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para alamin ang motibo sa pamamaril.

TAGS: Fr. Mark Anthony Ventura, Gattaran police, San Isidro Labrador, Fr. Mark Anthony Ventura, Gattaran police, San Isidro Labrador

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.