Senatorial line-up ng Liberal Party kumpleto na, 2 hindi tanyag, kasama sa line-up

LPDalawang hindi tanyag na pangalan ang kasama sa senatorial slate ng Liberal Party.

Paliwanag ni Cong. Erin Tañada ng LP, nais ni Pangulong Benigno Aquino III na may kakatawan sa lahat ng partido o grupo sa line up ng LP.

Sa unang araw ng filing ng certificate of candidacy ng mga kakandidato sa 2016 elections, inilabas ang listahan ng mga mapapasama sa senatorial line up ng LP na kinabibilangan ng mga sumusunod:

Senate President Franklin Drilon
Senate President pro-tempore Ralph Recto
Senator Teofisto Guingona III
Former senator and former food security czar Francis Pangilinan
Former senator and former Yolanda rehabilitation chief Panfilo Lacson
Outgoing Justice Secretary Leila de Lima
Former Energy Secretary Jericho Petilla
Outgoing TESDA Director General Secretary Joel Villanueva
TIEZA Chief Operating Officer Mark Lapid
PhilHealth Director and former Akbayan Representative Risa Hontiveros
COOP NATCCO Party List Representative Cresente Paez
DILG Asec. for Muslim Affairs and Special Concerns Nariman Ambolodto

Ilang beses ding naudlot ang announcement ng senatorial slate ng LP. Ito ay matapos na kusang magpa-alis sa line-up si MMDA Chairman Francis Tolentino, at magpasya si Mayor Herbert Bautista na muling tumakbo bilang alkalde ng Quezon City sa halip na tumakbong senador.

Read more...