Apat katao, nalunod sa isang ilog sa Camarinas Sur

By Angellic Jordan April 29, 2018 - 01:19 PM

Nalunod ang apat katao habang naliligo sa Bicol River sa Libmanan, Camarines Sur, Sabado ng umaga.

Kinilala ang mga nasawing mag-aama na sina Arnel Sibuc, 44-anyos, at dalawang anak nitong sina Dynie, 11-anyos, at Aljon, 9-anyos.

Kasama ring nalunod ang kapitbahay nilang si Danica Flores, 7-anyos.

Ayon kay Filipina Subic, asawa ng nasawi, tumalon ang kaniyang asawa matapos makitang nalulunod sa malalim na bahagi ng ilog ang tatlong bata.

Habang sinasagip ang mga bata, agad naman aniya siyang humingi ng tulong sa bahay ng isang opisyal ng barangay.

Ngunit pagbalik nito, nawalan na ng malay ang mga biktima.

Ayon sa pulisya, sinabi ng mga nakasaksi na nag-panic ang tatlong bata habang sinasagip ni Arnel kung kaya nalunod ang mga ito.

TAGS: Bicol River, camarines sur, nalunod, Bicol River, camarines sur, nalunod

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.