Gatchalian, suportado ang pagpapalawig ng deployment ban sa Kuwait

Inquirer file photo

Suportado ni Senador Sherwin Gatchalian ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na gawing permanente ang Deployment ban ng overseas Filipino workers (OFWs) sa Kuwait.

Ayon kay Gatchaian, dapat mag-demand ang gobyerno ng Pilipinas ng aniya’y “concrete action” mula sa Kuwaiti government para matiyak ang seguridad ng mga OFW sa naturang bansa.

Hindi aniya karapat-dapat gawing alipin ang mga kababayang Pinoy OFWs.

Aniya, ang unang magandang hakbang ay ang pagpirma sa Memorandum of Agreement (MOA).

Samantala, maliban sa pananatili ng deployment ban, hinikayat din ni Duterte ang nalalabing 260,000 OFWs sa Kuwait na umuwi na ng Pilipinas.

Read more...