US Sec. of State Pompeo: Nokor, handa na sa denuclearization

By Angellic Jordan April 29, 2018 - 10:53 AM

Inquirer file photo

Inihayag ni bagong US Secretary of State Mike Pompeo na nagkaroon siya ng “good conversation” kasama si North Korean leader Kim Jong-Un.

Batay sa ulat, naging maganda ang naging pagpupulong ni Pompeo at Kim sa kaniyang pagbisita sa Pyongyang.

Ayon kay Pompeo, handa na si Kim sa paglatag ng solusyon para sa denuclearization.

Naging malinaw aniya ang kanilang usapan ukol sa ipinarating na mission statement mula kay US President Donald Trump.

Positibo rin aniya si Trump sa kinalabasan ng pagpupulong.

Samantala, umaasa aniya sila na magkakaroon ng matagumpay na negosasyon sa pagitan ng dalawang bansa sa natakdang pagpupulong sa susunod na tatlo o apat na linggo.

TAGS: denuclearization, north korea, US, US President Donald Trump, US Secretary of State Mike Pompeo, denuclearization, north korea, US, US President Donald Trump, US Secretary of State Mike Pompeo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.