3 hinihinalang drug pushers, patay sa anti-drug ops sa Cavite at Laguna

Inquirer file photo

Patay ang tatlong hinihinalang drug pushers sa magkakahiwalay na shootout sa probinsya ng Cavite at Laguna

Ayon kay CALABARZON police CSupt. Guillermo Eleazar, kinilala ang isang nasawing suspek na si alyas “Bumbay” sa bahagi ng Barangay San Francisco sa General Trias City, Cavite dakong 1:00, Linggo ng madaling-araw.

Nakuha ng otoridad sa suspek ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P8,000.

Nanlaban umano ang suspek sa mga otoridad gamit ang kaniyang 9mm na baril nang mapag-alamang pulis ang kaniyang katransaksyon.

Samantala, dalawang drug pushers rin ang nasawi sa buy-bust operation sa Barangay Platero, Biñan City dakong 9:30, Sabado ng gabi.

Kinilala ang isa sa mga suspek na si Jerwin Bartolazo na sinasabing may kinakaharap na kasong murder.

Ayon kay Eleazar, narekober ng otoridad mula sa mga suspek ang tatlong armas ngunit isa sa mga ito ay toy gun lang.

Read more...