Walang namomonitor o nababantayang low pressure area (LPA) o namumuong bagyo ang Pagasa sa kasalukuyan.
Gayunman, patuloy na umiiral ang Inter-Tropical Convergence Zone (ITCZ) sa Timog Mindanao na magdudulot ng pag-ulan sa Soccsksargen, Zamboanga Peninsula at Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM).
Samantala, sa nalalabing bahagi naman ng bansa ay patuloy na makararanas ng mainit at maalinsangang panahon bunsod ng Easterlies maliban sa localized thunderstorms sa hapon o gabi.
Kahapon, araw ng Sabado, naitala ang pinakamataas na temperature sa Cabanatuan City sa 37 degrees Celsius.
Naitala naman ang pinakamataas na heat index ay naitala sa San Jose Occidental Mindoro sa 46.2 degrees Celsius.
Pinapayuhan ng weather bureau ang publiko na magdala ng payong at palagiang uminom ng tubig dahil sa patuloy na pag-iral ng mainit na panahon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.