Mga kabataang Pinoy hinihimok na sumali sa internship program ng gobyerno
Iniimbitahan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang lahat ng mga kabataang Pinoy edad 18 hanggang 30 na sumali sa internship program ng pamahalaan.
Sa ngayon kasi ay kailangan ng DOLE ang 1,800 mga kabataan para sa kanilang anim na buwang internship program.
Ayon kay Bureau of Local Employment Director Dominique Tutay, makakatulong ang naturang programa upang makakuha ang mga kabataan ng work experience.
Ang mga matatanggap na intern ay aatasang i-profile ang mga child laborers sa iba’t ibang barangay sa buong bansa; habang nasa 200 naman ang aatasang i-profile ang mga manggagawang apektado ng anim na buwang pagsasara at rehabilitasyon ng Boracay.
Maaaring mag-apply ang mga interesadong kabataan sa internship program simula May 1, kasabay ng job and livelihood fair ng DOLE.
Samantala, mayroon namang 58,171 na mga trabaho sa loob ng Pilipinas; at 89,914 trabaho sa labas ng bansa na bukas para sa publiko sa isasagawang job and livelihood fair ng DOLE.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.