Pang. Duterte sinisi si De Lima sa pagkakaaresto kay Sister Patricia Fox

By Justinne Punsalang April 29, 2018 - 04:00 AM

Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang pagkakaaresto kay Sister Patricia Fox ay dahil sa Bureau of Immigration (BI) operation order na inaprubahan ni dating Department of Justice (DOJ) Secretary at ngayo’y Senador Leila de Laima.

Sa talumpati ng pangulo sa Singapore ay sinabi nito na sa ilalim ng Immigration Operation Order No. SBM-2015-025 na pinirmahan ni de Lima noong siya ay DOJ secretary, pinagbabawalan ang mga dayuhan na dumalo, sumuporta, at makiisa sa anumang uri ng rally o assembly na pabor o laban sa pamahalaan.

Aniya pa, hindi niya ni-revoke ang nasabing kautusan dahil alam niyang magagamit din ito sa hinaharap.

Kasunod nito ay hindi napigilan ng pangulo na patutsadahan si Sister Fox.

Aniya, wala itong karapatan na pulaan ang kanyang pamamahala dahil hindi naman ito Pilipino at kung tutuusin ay isa lamang itong turista sa bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.