Sister Patricia Fox nalulungkot sa posibilidad na pag-alis ng Pilipinas

By Justinne Punsalang April 29, 2018 - 03:58 AM

Hindi napigilan ni Australian missionary Sister Patricia Fox na malungkot sa posibilidad na umalis siya ng Pilipinas, matapos manatili dito sa loob ng 27 taon.

Aniya, sa kanyang pamamalagi sa bansa ay wala siyang pinagsisihang ginawa.

Sa sidelines ng solidarity mass na inilaan para sa kanya sa Parish of the Holy Sacrifice sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman, Quezon City ay sinabi ni Sister Fox na na-enjoy niya ang pamamalagi niya sa Pilipinas na ngayon ay itinuturing niyang tahanan.

Paliwanag ni Sister Fox, sumama siya sa fact-finding mission sa Mindanao noong Abril para makausap at makinig sa mga residente doon.

Aniya pa, bilang isang abugado sa Australia ay natural na para sa kanya ang tumulong sa mga nangangailangan.

Matatandaang binigyan si Sister Fox ng Bureau of Immigration (BI) ng 30 araw para umalis ng bansa. Ito ay matapos umano nitong labagin ang terms and condition ng kanyang missionary visa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.