Mga opisyal ng militar, patay sa suicide bombing sa Somalia

By Rhommel Balasbas April 29, 2018 - 03:55 AM

Patay ang lima katao kabilang ang tatlong military officials sa suicide bombing na naganap sa isang restaurant sa Galkayo, Somalia.

Ayon kay Minister of Security for Puntland na si Ahmed Abdullahi Yusuf, isang lalaki na may suot na explosive vest ang pinasabog ang kanyang sarili sa restaurant.

Target ng suicide bomber ang tatlong opisyal ng militar na pawang umiinom lamang ng tsaa kasama.

Bukod sa tatlong opisyal ay nasawi rin ang dalawang sundalo.

Ayon naman kay Police Officer Capt. Abdi Jama, walong katao ang sugatan matapos madamay sa pagsabog.

Inaasahan pa anya na tataas pa ang death toll dahil ilan sa mga sugatan ay kritikal.

Inako ng al-Qaeda linked terrorist group na Al-Shabaab ang responsibilidad sa pagsabog.

Ang naturang teroristang grupo ay higit sampung taon nang nakikipaglaban sa Somali government.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.