2 patay sa shootout sa Novaliches, QC

By Rhommel Balasbas April 29, 2018 - 03:50 AM

Dalawang hinihinalang tulak ng droga ang nasawi sa buy bust operation na nauwi sa engkwentro sa Novaliches, Quezon City, Sabado ng madaling araw.

Magsasagawa lamang sana ng operasyon ang miyembro ng Novaliches Police sa isang compound sa Barangay Sta. Monica.

Gayunman, natunugan ng mga suspek na target ng buy bust na pulis ang kanilang mga ka-transaksyon.

Bunsod nito, nagpaputok ang mga suspek sa mga pulis dahilan upang gumanti ang mga ito at magresulta sa shootout.

Nakilala ang mga suspek na sina Amado Millette, 40 anyos at isang alyas ‘Michael’ na nagtamo ng tama ng bala sa kanilang mga katawan.

Nakuha sa mga ito ang 18 saches ng pinaghihinalaang shabu na tinatanstang nasa P40,000 ang halaga at .45 at .35 na kalibre ng mga baril.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.