Nagtapos ang laro sa iskor na 29-27, 25-21, at 25-22 pabor sa Lady Spikers.
Ayon sa coach ng Lady Spikers na si Ramil de Jesus, inasahan na nilang magiging mahirap ang laro kontra sa FEU.
Ayon naman kay Lady Tamaraws coach George Pascua, pangunahing dahilan ng kanilang pagkatalo ay ang dami ng pagkakamali na nagawa ng kanyang mga manlalaro sa nasabing tapatan.
Sinabi rin ni Bernadette Pons ng Lady Tamaraws na posibleng dahilan ng kanilang maraming pagkakamali sa laro ay dahil kabado sila. Ito kasi aniya ang unang pagkakataon na nakatungtong sila sa finals.
Muling magtatapat ang dalawang koponan sa May 2, araw ng Miyerkules na magaganap sa Big Dome.