La Salle wagi sa Game 1 ng UAAP women’s volleyball finals

By Justinne Punsalang April 29, 2018 - 03:48 AM

Tinalo ng De La Salle University (DLSU) Lady Spikers ang Far Eastern University (FEU) Lady Tamaraws sa Game 1 ng UAAP Season 80 women’s volleyball finals.

Nagtapos ang laro sa iskor na 29-27, 25-21, at 25-22 pabor sa Lady Spikers.

Ayon sa coach ng Lady Spikers na si Ramil de Jesus, inasahan na nilang magiging mahirap ang laro kontra sa FEU.

Ayon naman kay Lady Tamaraws coach George Pascua, pangunahing dahilan ng kanilang pagkatalo ay ang dami ng pagkakamali na nagawa ng kanyang mga manlalaro sa nasabing tapatan.

Sinabi rin ni Bernadette Pons ng Lady Tamaraws na posibleng dahilan ng kanilang maraming pagkakamali sa laro ay dahil kabado sila. Ito kasi aniya ang unang pagkakataon na nakatungtong sila sa finals.

Muling magtatapat ang dalawang koponan sa May 2, araw ng Miyerkules na magaganap sa Big Dome.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.