Judy Ann at Ryan nagdiriwang ng anniversary sa Italy
Masayang ipinagdiriwang ng mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo ang kanilang ika-9 na anibersaryo bilang mag-asawa sa Italy.
Sa isang Instagram post ni Judy Ann, makikita na magkasama sila ni Ryan na binibisita ang iba’t ibang mga lugar sa Italy.
Sa caption ng post, ginamit ni Judy Ann ang quote na “Don’t marry the person you can live with, marry the person you can’t live without.”
14 na taon nang magkasama sina Judy Ann at Ryan, ngunit ikinasal lamang sila noong 2009.
Matatandaang ikinasal ang dalawa sa pamamagitan ng isang pribadong ceremony na dinaluhan ng kanilang malalapit na kaibigan at pamilya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.