Duterte maglalagay ng hotline para sa mga negosyanteng biktima ng katiwalian

Inquirer file photo

Maglalagay ng isang dedicated hotline si Pangulong Rodrigo Duterte para sa mga negosyanteng biktima ng pangongotong at kurapsyon ng ilang tauhan ng pamahalaan.

Sa kanyang pagharap sa grupo ng mga negosyante sa Singapore, sinabi ng pangulo na gusto niyang gawing simple ang pagnenegosyo sa bansa.

Isa umano ang kurapsyon sa mga dahilan kung bakit tinataggihan ng mga investors ang Pilipinas sa mga nagdaang panahon.

Nakahanda umanong makinig ang pangulo sa mga reklamo ng mga mamumuhunan lalo na kung sila ay biktima ng mga tiwaling tauhan ng gobyerno.

Kasabay nito ay nakiusap si Duterte sa mga negosyante na huwag magbigay ng anumang lagay para mapadali ang kanilang mga inaayos na dokumento sa pamahalaan.

Kapag may problema ay nakahanda naman umanong makinig ang mga opisyal ng kanyang administrasyon.

Nanakahanda umano siyang gamitin ang buong pwersa ng pamahalaan para labanan ang lahat ng uri ng katiwalian sa ating bansa.

Dagdag pa ng pangulo, “As long as you pay your taxes, just obey the laws, the environmental requirements are there and everything that would maybe bring in some complaints.”

Read more...