Presyo ng gasolina at diesel muling tataas sa susunod na linggo
Magpapatupad ng big time oil price hike ang mga kumpanya ng langis sa susunod na linggo.
Ito na ang ikaapat na linggo na magkakasunod na nagpatupad sila ng dagdag singil sa kanilang mga produktong petrolyo.
Sa ipinadalang advisory ng mga industry players sa Department of Energy (DOE), aabot sa piso kada litro ang dagdag sa presyo ng bawat litro ng gasolina.
Dagdag naman na P0.70 hanggang P0.80 sa bawat litro ng diesel at kerosene o gaas ang inaasahang dagdag sa halaga nito sa papasok na linggo.
Nauna nang sinabi ng mga oil companies na apektado ang presyo ng mga petroleum products sa bansa dahil nananatiling malikot ang presyo nito sa world market.
Malaki rin daw ang epekto ng paghina ng halaga ng piso kontra dolyar sa halaga ng mga produktong petrolyo sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.