Dagdag na tulong apela ng mga biktima ng malaking sunog sa Maynila

Inquirer file phoro

Pare-pareho ngayon na nananawagan ng tulong ang mga residente na biktima malaking sunog na tumupok sa nasa 200 bahay sa Sta. Cruz, Maynila Biyernes ng gabi.

Marami sa mga residente ang walang nailigtas na gamit maliban sa mga mahal sa buhay at damit na kanilang suot.

Pawang mga gawa sa mga light materials ang mga bahay sa lugar kaya mabilis na lumaki at kumalat ang apoy.

Kanya-kanyan puwesto ngayon sa bangketa ng Doroteo Jose, Oroquieta at Fabella street ang mga residente habang naghihintay ng tulong.

Tiniyak naman ng pamahalaang Lungsod ng Maynila na nakahanda silang tumulong sa mga biktima

Tuloy -tuloy sa kasalukuyan ang feeding program ng City Social Welfare Department ng Maynila sa mga apektadong residente.

Almusal na sopas samantalang nilaga at abodong manok naman sa tanghalian ang isinilbi sa mga nasunugan.

Nagbibigay ayuda rin sa mga residente ang Manila Health Department na nag-asikaso sa mga may karamdaman at nasaktan sa sunog.

Inabutan pa ng Radyo Inquirer si Mang Restituto Simbahon na biktima ng stroke at nagtamo pa ng 2nd degree burn sa kaliwang binti habang dinadala sa ospital.

Umaasa ang mga residente na hindi sila pababayaan ng kanilang mga opisyal ngayong walang wala sila.

Ang sunog na naka-apekto sa 500 pamilya kabilang ang Barangay Chairman ng lugar at mga kagawad nito ay nagsimula sa pasado 7:00 ng gabi at naapula  pasado 12:00 ng madaling araw ng Sabado.

Umabot sa mahigit sa P1 Million ang napinsala sa sunog at anim na katao ang nasaktan at dinala sa ospital.

Read more...