Nakaranas umpisa kaninang umaga ng system issue ang Globe Telecom na naka-apekto sa text o SMS, call at mobile data service.
Apekatado nito ang kanilang mga prepaid customer sa buong bansa.
Ayon kay Yoly Crisanto, Globe Senior Vice President for Corporate Communications nagsasagawa sila ngayon ng ilang hakbang para sa restoration service.
Magpapalabas aniya sila ng isa pang advisory oras na maresolba na ang nasabing isyu.
Dahil dito, humihingi ang Globe ng paumanhin sa kanilang mga customer dahil sa idinulot nitong aberya.
Ngayong hapon naman ay sinasabi sa pamamagitan ng social media ng ilang Globe prepaid subscribers na nagagawa nilang tumawag o magpadala ng text messages kahit na sila ay walang load.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.