Pagbaba ng ratings ni Duterte ibinabala dahil sa ENDO

By Den Macaranas April 28, 2018 - 02:37 PM

Hindi dapat maging kampante si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mataas na trust rating dahil ito ay bubulusok rin pababa sa susunod na mga linggo.

Iyan ang naging pahayag ni Partido Manggagawa Chairman Rene Magtubo dahil sa umano’y kabiguan ng pangulo na tuldukan ang kanyang pangako na wawakasan na ang contractualization sa hanay ng mga manggagawa.

Sinabi pa ni Magtubo na hindi biro ang 10-point dive sa trust ratings ng pangulo base sa pinakahuling Social Weather Station (SWS) survey.

Indikasyon na umano ito na marami na ang nagagalit dahil sa kabiguan ng pangulo na tapusin ang ENDO.

Samantala, nagbanta rin ang grupo na maglulunsad sila ng mga kilos-protesta hanggang sa pagsapit ng Labor Day sa Mayo 1 para ipakita ang kanilang disgusto sa desisyon ng pangulo na pabor lamang umano sa mga negosyante.

Magugunita na noong nakalipas na linggo ay sinabi ni Labor Sec. Silvestre Bello III na ipauubaya na lamang ng pangulo sa Kongreso ang pag-amyenda sa ilang mga batas para tuluyang mawala ang ENDO sa bansa.

TAGS: endo, Labor Day, magtubo, may 1, partido manggagawa, endo, Labor Day, magtubo, may 1, partido manggagawa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.