2 magsasaka pinugutan ng ulo sa Maguindanao

By Den Macaranas April 28, 2018 - 02:19 PM

Dalawang pugot na bangkay ng mga magsasaka ang natagpuan kaninang umaga sa bayan ng Parang, Maguindanao.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ng Autonomous Region in Muslim Mindanao Police Regional Office ang mga biktima na sina Ceasar Demaanda Fermin, 42-anyos at ang 21-taong-gulang na si Jabon Bistas na pawang mga residente sa barangay Gumagadong Calawag sa nasabing bayan.

Sa inisyal na imbestigasyon, pasado alas-nueve ng gabi araw ng Biyernes ng sabay na umalis ang dalawa para magtrabago sa isang coconut farm sa lugar.

Iyun na ang huling pagkakataon na nakita silang buhay ng kanilang mga kaanak na maagang binulaga ng ulat kaugnay sa pagkakatagpo sa kanilang mga bangkay.

Hanggang sa ngayon ay blangko pa rin ang mga otoridad sa kung ano ang motibo at kung sino ang mga nasa likod ng krimen.

Bigo rin silang makita ang mga nawawalang ulo ng mga biktma.

TAGS: bistas, fermin, magunidanao, parang, pinugutan, bistas, fermin, magunidanao, parang, pinugutan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.