Biktima ng isang pedophile na pari personal na kinausap ni Pope Francis
Kinausap nang personal ni Pope Francis ang isa sa tatlong biktima ng Chilean pedophile priest na bumisita sa Vatican.
Si Jose Andres Murillo ay binigyan ng pagkakaton ng Vatican na personal na makausap ang Papa samantalang ngayong weekend naman ay susunod ang dalawa pa.
Ang nasabing mga biktima ay ilan lamang sa mahabang listahan ng mga naghain ng reklamo na umano’y minolestya ng paring si Father Fernando Karadima.
Si Karadima ay pinatawan ng parusa at pinagbawala na ring gumawa ng anumang uri ng ministerial act sa simbahan dahil sa dami ng mga reklamo ng sexual abuse laban sa kanya.
Nauna na ring sinabi ni Pope Francis na hindi bingi at bulag ang simbahang katolika sa mga reklamo laban sa ilang mga pari sa iba’t ibang panig ng mundo.
Humingi rin siya ng paumanhin kung may mga nasaktan sa kanyang naunang pahayag na kailangan ang ebidensiya sa mga nagrereklamo laban sa mga pari.
Sa kanyang pagdalaw sa Chile noong isang taon ay inulan ng sumbong ang pinuno ng simabahang katolika dahil sa mga kaso ng mga pari na sangkot sa sexual abuses.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.