Denuclearization ng Korean Peninsula, ikinalugod ng Malacañang

AP Photo

Relieved.

Ganito isinalarawan ng Malacañang ang pakiramdam ng Pilipinas makaraang magdesisyon na ang North at South Korea na tuldukan ang higit anim na dekadang hindi pagkakasundo.

Sa press briefing sa Singapore, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na welcome sa bansa ang naging pasya ng dalawang bansa na itigil na ang nuclearization efforts nito at tuldukan na ang alitan.

Anya parang nabunutan ng tinik ang lahat dahil sa tuwing magsasagawa ng missile test ang NoKor ay bumabagsak ito sa karagatang sakop ng Pilipinas.

Matatandaang kahapon, isang makasaysayang tagpo ang sinaksihan ng mundo sa pagkikita nina North Korean leader Kim Jong Un at South Korean President Moon Jae in sa Panmunjon village na nasa demilitarized zone na naghihiwalay sa dalawang Koreanong bansa.

Sinabi pa ni Roque na maaaring talakayin din sa nagaganap na 32nd Association of South East Asian Nations Summit ang naturang development sa Korean Peninsula.

Read more...