Sustainable development at kooperasyon sa seguridad, palalakasin ng Pilipinas at Indonesia

By Rhommel Balasbas April 28, 2018 - 02:53 AM

INQUIRER File Photo

Muling pinagtibay nina Pangulong Rodrigo Duterte at Indonesian President Joko Widodo ang kanilang pangako na mapalawig pa ang relasyon ng Pilipinas at Indonesia.

Kasabay nito, pag-iibayuhin pa umano ng dalawang lider ang pagtutulungan upang matugunan ang mga isyu na may kaugnayan sa seguridad at maging sa pagtamo sa ‘sustainable development’.

Ito ang sinabi ng Malacañang matapos ang naging pagpupulong nina Duterte at Widodo bago ang dinner na pinangunahan ni Singapore Prime Minister Lee Hsien Loonng sa kasagsagan ng 32nd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Singapore.

Sinabi pa sa isang press release ng Presidential Communications Operations Office na napag-usapan ng dalawang lider ang posibilidad na muling magpulong muli sa hinaharap sa petsang sasang-ayunan ng dalawang partido.

Matatandaang dalawang beses na tumungo sa Pilipinas si Widodo noong nakaraang taon para sa isang state visit at dumalo sa biannual ASEAN Summit sa pangunguna ni Duterte bilang Chairman.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.