Application period para sa posisyon ng Ombudsman, pinalawig ng JBC

By Marilyn Montaño April 28, 2018 - 01:55 AM

Pinalawig ng Judicial and Bar Council ang application period para sa posisyon ng Ombudsman hanggang May 15 mula May 2.

Ito ay kaugnay ng pagtatapos ng pitong taong termino ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa July 26.

Ayon sa JBC, tatanggap sila ng aplikasyon hanggang 4:30 ng hapon sa May 15.

Ang council ang nagsasagawa ng screening ng mga aplikante para sa mga posisyon sa hudikatura at sa Office of the Ombudsman.

Pagkatapos nito ay magrerekomenda sila ng mga pwedeng italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa naturang mga posisyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.