Dalawang dayuhang turista, namataan sa Boracay

By Marilyn Montaño April 28, 2018 - 01:48 AM

Chief Supt. Cesar Hawthorne Binag, Western Visayas police director

Kung ang mga Pilipinong turista ay hindi pinapayagang makapasok sa Boracay sa loob ng anim na buwan, ilang mga dayuhan naman ang umanoy nakikitang nagsi-swimming at namamasyal sa dalampasigan ng beach.

Ito ay sa kabila ng polisiya ng gobyerno na mga residente lang ng isla ang pwedeng manatili habang nililinis ang lugar.

Nakita ng Inquirer.net sa resident only swimming area na may dalawang dayuhan na namamasyal.

Pero dalawang staff ng isang residential resort ang nagsabi na ang dalawa ay hindi mga dayuhan kundi mga residente sa isla na nanatili sa kanilang mga istablisyimento.

Sinabi pa ng staff ng resort na humiling na huwag siyang pangalanan na ang ibang bisita nila ay mayroong long-term reservation at mayroong residential identification na kailangan para makapasok at makalabas ng isla.

Samantala, sinabi ni Chief Supt. Cesar Hawthorne Binag, Western Visayas Police Director, namonitor din nila ang pagpasok ng mga dayuhan na may resident IDs.

Pagdating anya sa Jetty Port ay may ID ang mga dayuhan at ang rule, kapag may ID sila ay kailangan itong irespeto.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.