P5M halaga ng shabu nasabat sa 2 miyembro ng drug syndicate sa Cotabato City
Arestado ang dalawang miyemrbo ng drug syndicate na nag-ooperate sa National Capital Region (NCR) sa isinagawang operasyon ng mga otoridad sa Cotabato City.
Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency in the Autonomous Region in Muslim Mindanao (PDEA-ARMM) director Juvenal Azurin nasabat nila ang aabot sa P5 million halaga ng shabu mula sa mga suspek na sina Benjie Macmod, 27 at Tahir Sangki, 29 anyos.
Ang dalawa ay kapwa residente ng Datu Saudi Ampatuan sa Maguindanao.
Nakuha din sa kanila ang dalawang granada, motorsiklo at P5,000 cash.
Itinuturing na high-value targets ang dalawang suspek ani Azurin.
Ayon sa PDEA, nakatanggap sila ng impormasyon na may taglay na malaking halaga ng shabu ang dalawa kaya agad silang nagkasa ng operasyon.
Nakuha mula sa kanila ang 19 na sachets ng shabu.
Ani Azurin, bahagi ang mga suspek ng drug group na nag-ooperate sa Maguindanao, Cotabato City at sa National Capital Region.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.