Hiniling pa ni Lim na itigil na ang imbestigasyon sa naturang drug complaint.
Pero sa apat na pahinang resolusyon, sinabi ni Guevarra na ang utos ni dating DOJ Sec. Vitaliano Aguirre II ay walang merito ang hirit ni Lim.
May legal anyang basehan sa pagsampa ng reklamo laban kay Lim na may kinalaman sa droga.
Dagdag ng kalihim, nabigo si Lim na ipakita na nalabag ang karapatan nito sa due process nang ilabas ni Aguirre ang utos noong March 19.
Sa kanilang apela ay sinabi ng kampo ni Lim na ang utos ni Aguirre na i-review ang kaso ay bilang kunsiderasyon sa reaksyon ng publiko sa una nang pagbasura sa kaso laban sa mga drug lords.
Pero sinabi ni Guevarra na ang due process ay ang rule of law at hindi dapat mangibabaw ang sintemyento ng publiko.