North at South Korea nagkasundong wakasan ang military confrontation

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 27, 2018 - 07:43 PM

AP Photo

Naging makabuluhan ang makasaysayang pulong ng lider ng North Korea at South Korea matapos magkasundo silang tapusin na ang military confrontation at anumang mapaghamon na mmga hakbang sa Korean peninsula.

Nagkasundo rin sina President Moon Jae-in at North Korean leader Kim Jong-un na isulong ang trilateral talks sa U.S. o kaya ay magkaroon ng four-way negotiations kasama ang China.

Simula May 1, 2018, sususpindihin na ang lahat ng loudspeaker propaganda broadcasts ng NoKor at South Korea.

Nagkasundo rin ang dalawang lider na alsin na ang kani-kanilang broadcasting equipment.

Kabilang din sa ihihinto ang pagpapamudmod ng propaganda leaflets sa kanilang border.

Para maiwasan ang komprontasyon sa western maritime border magtatalaga ng “peace zone” na gagarantiya sa kaligtasan ng mga mangingisda ng dalawang lugar.

Sa Mayo, plano namang isagawa ang military talks sa pagitan ng NoKor at South Korea.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Kim Jong un, Moon Jae In, north korea, Radyo Inquirer, south korea, Kim Jong un, Moon Jae In, north korea, Radyo Inquirer, south korea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.