Pagkakasama sa narco list hindi magreresulta sa diskwalipikasyon ng mga kandidato sa Barangay elections

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 27, 2018 - 07:15 PM

Hindi magreresulta sa disqualification ng isang kandidato kung siya ay masasama sa narco-list ng pamahalaan.

Ayon kay Commission on Elections (Comelec) spokesman James Jimenez tanging ang final judgment sa kinasangkutang krimen o hatol ng korte ang makapagpapa-diskwlipika sa isang kandidato.

Kaya kahit malantad pa ang pangalan ng kandidato sa ilalabas na drug list ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) hindi ito mangangahulugan na madidisqualify ang isang aspirante para sa Barangay at SK elecitons.

“Having your name on the list of drug suspects or people suspected to be involved in the drug trade will not really have an effect on what the Comelec does. Being on [a] drug list will not disqualify a person from running for office. Disqualification only comes from a final judgment against the person, apart from other reasons for disqualification”

Wala din aniya sa kamay ng Comelec ang pag-imbestiga sa mga mapapangalan sa narco list.

Aniya mayroon namang mga karampatang law enforcement agencies para magsagawa ng imbestigasyon.

Ang tanging epekto aniya ng gagawin ng PDEA ay maaring magdalawang-isip ang mga botante na iboto ang kandidato kapag nakita nilang kasama sa listahan ng mga sangkot sa ilegal na droga.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Barangay elections, narco list, Radyo Inquirer, sk elections, Barangay elections, narco list, Radyo Inquirer, sk elections

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.