Pangalan ng ikatlong anak nina Prince William at Duchess of Cambridge, isinapubliko na

Photo from Kensington Palace

Isinapubliko na ang pangalan ng ikatlong anak nina Prince William at Duchess of Cambridge Kate Middleton.

Ang bagong royal baby ay pinangalanang Louis Arthur Charles.

Tatawagin siyang His Royal Highness Prince Louis of Cambridge.

Si Prince Louis ang fifth in line sa British throne kasunod nina Prince Charles na kaniyang lolo, kaniyang ama na si Prince William at dalawa niyang nakatatandang kapatid na sina Prince George at Princess Charlotte.

Noong Lunes isinilang si Prince Louis na may bigat na eight pounds and seven ounces o 3.8 kilograms.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...