Anti-drug war magiging madugo kapag inilabas ang barangay narco list
Nakatitiyak ang Human Rights Watch na mas dadanak ang dugo kapag isinapubliko ang listahan ng mga barangay officials na sinasabing sangkot sa droga ng walang sapat na basehan.
Iginiit ni Carlos Conde, Asia Division researcher ng grupo, kailangan ng sapat at matibay na ebidensiya na mauugnay sa mga barangay officials sa operasyon ng droga.
Sinabi pa nito na mas makakabuti din na kung may sapat naman na ebidensiya ang gobyerno laban sa mga opisyal ay dapat ay sampahan na lang ng mga kaso ang mga ito sa korte.
Banggit pa ni Conde na marami sa nasa sinasabing drug watch lists ang naging biktima ng summary executions kasabay ng pagpapatupad ng drug war ng administrasyong-Duterte.
Una nang inihayag ni PDEA Director General Aaron Aquino na isasapubliko nila ang pangalan ng 211 barangay officials na sangkot sa droga bago ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa darating na Mayo 14.
Ayon kay Aquino, ito ay base sa utos ni Pangulong Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.