Pilipinas dinipensahan ng Human Rights Watch sa issue sa Kuwait
Kinampihan ng Human Rights Watch (HRW) ang Pilipinas sa panibagong isyu na kinasasangkutan ng gobyerno ng Kuwait, partikular na ang sinasabing illegal rescue mission sa mga inaabusong OFWs.
Isinalarawan ni Rothna Begum, HRW Middle East and North Africa researcher, na mapangahas ang pag-aresto sa dalawang Philippine Embassy staff.
Sinabi ni Begum hindi makatuwiran na parusahan ang mga tao na tumutulong sa mga inaabuso atr nasa panganib sabay giit na ang dapat gawin ng Kuwaiti government ay imbestigahan at tumulong pa sa pagliligtas.
Kasunod na rin ito ng pagdeklara kay Philippine Ambassador Rene Villa na persona non grata at pinalalayas na ito ng Kuwait.
Bago ito, ilang opisyal pa ng Kuwait dito sa Pilipinas ang nakipagpulong kina Pangulong Rodrigo Duterte at Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano, na kapwa humingi ng dispensa hinggil sa pangyayari.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.