Ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT) hindi magiging bahagi ng SONA ng pangulo sa Hulyo ang anunsyo sa pagkakaroon ng bagong telco player sa bansa.
Ang DICT ang nagbigay ng self-imposed target na buwan ng Hulyo para sana maihabol sa SONA.
Ito ay makaraang hindi na maabot ang March 2018 deadline.
Ayon kay DICT acting secretary Eliseo Rio Jr., maaring ang matukoy pa lang sa SONA ng pangulo ay ang mga kumpanyang lalahok sa bidding.
Ang mapipiling telco ang magiging kakumpitensya ng PLDT Inc. at Globe Telecom na tanging telcos sa bansa sa ngayon.
Ayon kay Rio ang terms of reference para sa proseso ng pagkuha ng ikatlong telco ay maaring maisapubliko sa kalagitnaan ng Mayo.