3rd telco player hindi maihahabol bago ang SONA ni Pangulong Duterte

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 27, 2018 - 04:54 PM

Hindi aabot ang ikatlong telco player sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT) hindi magiging bahagi ng SONA ng pangulo sa Hulyo ang anunsyo sa pagkakaroon ng bagong telco player sa bansa.

Ang DICT ang nagbigay ng self-imposed target na buwan ng Hulyo para sana maihabol sa SONA.

Ito ay makaraang hindi na maabot ang March 2018 deadline.

Ayon kay DICT acting secretary Eliseo Rio Jr., maaring ang matukoy pa lang sa SONA ng pangulo ay ang mga kumpanyang lalahok sa bidding.

Ang mapipiling telco ang magiging kakumpitensya ng PLDT Inc. at Globe Telecom na tanging telcos sa bansa sa ngayon.

Ayon kay Rio ang terms of reference para sa proseso ng pagkuha ng ikatlong telco ay maaring maisapubliko sa kalagitnaan ng Mayo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: 3rd telco player, Department of Information and Communications Technology, Radyo Inquirer, SONA, 3rd telco player, Department of Information and Communications Technology, Radyo Inquirer, SONA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.