Grupo ng mga guro, humirit ng dagdag sahod
Ilang araw bago ang paggunita sa Labor Day humirit ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa pamahaalaan na taasan ang sahod ng mga guro.
Katwiran ng grupo, naapektuhan sila ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin dahil sa Tax Reform law.
Ayonkay ACT Secretary General Raymond Basilio, kahit mayroong tax exemption ang mga guro sa ilalim ng Executive Order 201, hindi ito sapat dahil sa dami na ng mga produkto na tumaas ang halaga.
Sa ilalim ng Teacher I portfolio mayroon silang dagdag na take home pay na P467.44 mula sa EO 201 at P960.12 mula naman sa tax exceptions nila sa ilalim ng TRAIN Law.
Pero ayon sa ACT ang nasabing halaga na ang suma total ay P1,510 ay pangbayad lang din ng mga guro sa mas maraming gastusin dahil sa tumaas na halaga ng mga bilihin.
Isinusulong ng ACT ang P30,000 na sweldo para sa mga nasa Teacher I position, P31,000 para sa Instructor I at P16,000 para sa Salary Grade I.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.