Pagbasa ng sakdal sa kongresista ng Samar na nahaharap sa kasong graft ipinagpaliban ng Sandiganbayan

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 27, 2018 - 03:57 PM

Ipinagpaliban ng Sandiganbayan ang pagbasa ng sakdal kay Samar Rep. Milagrosa Tan sa kinakaharap nitong kasong malversation at graft.

Iitinakda na lang ng anti-graft court sa June 1 ang arraignment kay Tan matapos ihayag ng kampo nito na maghahain sila ng petisyon para humiling ng temporary restraining order (TRO) sa Supreme Court (SC).

Una dito ay ibinasura ng Sandiganbayan th Division ang motion for reconsideration (MR) ni Tan na humihiling na mabasura ang mga kaso kaugnay sa maanomalyang pagbili ng medical at dental supplies noong siya ay gubernador pa noong 2007.

Ayon kay Atty. Joan Padilla, abogado ng mambabatas, hihirit sila ng TRO sa Korte Suprema para maipasuspinde ang pagdinig sa kaso.

Sinabi naman ng Sandiganbayan na meron o walang pasya ang SC bago may June 1 ay itutuloy nila ang arraignment.

Si Tan ay nahaharap sa walong bilang ng kasong graft at limang bilang ng kasong malversation of public funds.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: graft, Milagrosa Tan, Radyo Inquirer, Samar, sandiganbayan, graft, Milagrosa Tan, Radyo Inquirer, Samar, sandiganbayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.