700 manggagawa sa Boracay nagbigyan na ng ayuda

By Jan Escosio April 27, 2018 - 02:56 PM

Inquirer.net Photo | Anthony Esguerra

Pitongdaan pa lamang sa tinatayang 30,000 formal at informal workers sa Boracay Island ang nabigyan ng tulong pinansiyal ng Department of Social Wefare and Development (DSWD).

Ayon kay DSWD Region 6 Dir. Rebecca Geamala patuloy naman ang ginagawa nilang assessment sa mga libu-libong nawalan ng trabaho dahil sa pagsasara sa isla.

Inamin din ng opisyal na hindi magkakatulad ang halaga ng ibinibigay nilang tulong sa mga naapektuhang manggagawa.

Paliwanag nito, ang halaga ay depense sa pangangailan ng mga manggagawa.

Aniya ang mga hindi residente ng Malay, Aklan ay binibigyan ng pamasahe pauwi at sila ay iniendorso na lang sa nakakasakop sa kanilang lokal na opisina ng DSWD.

Samantala ang residente ng Malay ay binibigyan ng livelihood assistance at sila din ang prayoridad sa mga kinukuhang magtatrabaho para sa rehabilitasyon ng isla.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Boracay Closure, Boracay Island, dswd, Financial Assistance, Boracay Closure, Boracay Island, dswd, Financial Assistance

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.