Tinalakay ng lider ng North at South Korea ang denuclearization sa unang bahagi pa lamang ng Intra-Korean summit.
Inilarawan ng isang South Korean official Yoon Young-chan na “serious” at “frank” ang naging takbo ng diskusyon ng nina
North Korean leader Kim Jong Un at South Korean President Moon Jae-in.
Pinag-usapan aniya ng dalawang lider ang pagkakaroon ng permanenteng kapayapaan sa Korean peninsula.
Bumubuo rin ng joint statement ang dalawang lider na nakatakda nilang sabay na ianunsyo.
Sa pulong ng dalawa, sinabi rin ni Kim na handa siyang bumisita at magtungo sa Seoul anumang oras basta’t iimbitahan siya ni Moon.
Sinabi pa ni Kim na napag-alaman niyang naiistorbo ang tulog ni Moon kapag kailangan nitong dumalo ng mga biglaang punong National Security Council dahil sa nuclear activities ng NoKor. Kasabay ng pagtitiyak na hindi na muling maiistorbo ang tulog ng South Korean president.
Matapos ang pulong, magsasalu-salu sina Moon, Kim at misis ni Kim na si Ri So Ju sa isang hapunan.