DFA hindi muna magbubukas ng passport online appointment para sa buwan ng Hulyo

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 27, 2018 - 02:14 PM

Hindi muna magbubukas ng slots ang Department of Foreign Affairs (DFA) para sa passport online appointment mula July 2018 at mga kasunod na buwan.

Ito ay dahil sa pinaghahandang pagpapatupad ng ePayment system sa passport online appointment system.

Sa ilalim ng ePayment system ang mga aplikante ay magbabayad sa payment facility na accredited ng DFA bago magtungo sa Consular Office ng DFA kung saan sila nagpa-appoinment.

Sa pamamagitan nito, mas mapapabilis ang proseso ng passport application dahil mababawasan ang ipipila ng mga nag-aapply ng passport.

Kadalasan kasing humahaba rin ang pila sa cashier kapag magbabayad na ang mga nag-aapply o nagrerenew ng passport.

Ayon pa sa DFA, sa pamamagitan ng ePayment system, mababawasan din ang bilang ng mga no-show applicants.

Patuloy ang ginagawang pilot testing ng DFA sa ePayment.

Sa sandaling mailunsad na ang ePayment ay saka pa lamang bubuksan ng DFA ang slots para sa buwan ng Hulyo at sa mga susunod pang buwan.

Sa ngayon, patuloy na nagbubukas ang DFA ng slots para sa buwan ng Mayo at Hunyo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: DFA, online appointment, passport appointment system, DFA, online appointment, passport appointment system

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.