Aksyon ng pamahalaan sa usapin sa Kuwait iaanunsyo ni Pangulong Duterte

Nakatakdang ianunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang susunod na hakbang ng pamahalaan sa pagpapatalsik ng Kuwaiti government kay Philippine Ambassador to Kuwait Renato Villa.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, natalakay na ang magiging aksyon ng pamahalaan bago umalis ang pangulo noong Huwebes ng gabi para dumalo sa 32nd Association of Southeast Asian Nations (Asean).

Maliban kay Bello, dumalo sa nasabing pulong kasama ang pangulo sina Foreign Secretary Alan Peter Cayetano, Trade Secretary Ramon Lopez, at Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go.

Ani Bello nakabuo na sila ng hakbang pero si Pangulong Duterte na ang maglalahad nito.

Magiging bahagi aniya ng anunsyo ng pangulo ang tungkol sa memorandum of understanding na lalagdaan ng Pilipinas at Kuwait.

Samantala sinabi ni Bello na binigyang go signal din siya ng pangulo na magtungo sa Kuwait pagkalipas ng Labor Day (May 1).

Ani Bello magtutungo siya sa nasabing bansa para personal na alamin at i-assess ang sitwasyon doon.

Umaasa si Bello na makakausap niya ang kaniyang counterpart sa Kuwait.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...