Pamilya ng batang namatay matapos 3 beses maturukan ng Dengvaxia humingi ng tulong sa PAO
Nagpasaklolo sa Public Attorney’s Office ang pamilya ng isang 11-anyos na lalaki na namatay matapos maturukan ng Dengvaxia vaccine sa Tanza, Cavite.
Ayon kay Francisco Sedilla, tatay ng biktimang si Francis Ivan Sedilla, ng Barangay Julugan, Tanza, Cavite nakumpleto ng kanyang anak ang tatlong doze ng dengue vaccine.
Nakaramdam aniya ng sakit ng tiyan ang kanyang anak noong noong November 3, 2017 ng umaga at naging matamlay sa buong maghapon.
Lumobo rin at nanigas ang tiyan ng kanyang anak, umihi ng kulay pula, nanlamig ang katawan at pinagpawisan.
Kinaumagahan anya ng November 4, 2017 ay isinugod nila sa ospital ang anak at dalawang oras lamang ay binawian na kaagad ng buhay.
Sinabi sa kanila ng doktor na pumutok ang ependix ng kanilang anak pero hindi sila naniniwala dito dahilan upang lumapit sa PAO.
Nabigyan ng unang turok sa Julugan Elementary School ang kanilang anak noong June 23, 2016, nasundan noong
Jan 18 2017 at pinakahuli naman ay Sept 7, 2017.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.