Klase sa Manila Science Bldg. ng FEU sinuspinde

Sinuspinde ang klase ngayong araw, April 27, 2018 sa Manila Science Building ng Far Eastern University (FEU).

“Isolated wiring issue” ang tinukoy na dahilan ng FEU sa pag-suspinde ng klase.

Ayon sa FEU, wala namang idinulot na matinding pinsala ang insidente at ligtas na nailikas ang lahat ng estudyante.

Napasya ang pamunuan ng unibersidad na suspindihin ang klase para makapagsagawa ng safety checks sa gusali.

“FEU Manila Science Building has been closed and classes there are suspended today April 27, 2018 due to an isolated wiring issue. No major damage was incurred and all students were safely evacuated but safety checks will be made throughout the day,” ayon sa abiso ng FEU.

Samantala, nagpatuloy naman ang klase sa iba pang gusali sa FEU.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...