Dagdag na tauhan itatalaga ng DSWD sa Boracay dahil sa pagdagsa ng mga nais humingi ng tulong

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 27, 2018 - 11:48 AM

Inquirer.net Photo | Anthony Esguerra

Magtatalaga ng dagdag na tauhan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Boracay Island para umasiste sa mga residente at manggagawa doon na nangangailangan ng financial assistance.

Ililipat din sa mas malaking lugar ang operational center ng ahensya matapos dagsain ng mga tao ngayong umaga.

Inquirer.net Photo | Anthony Esguerra

Ayon kay DSWD-OIC Emmanuel Leyco, pinag-aaralan din nilang gawing 24/7 ang kanilang operasyon sa Boracay para ma-accommodate ang lahat ng nangangailangan ng tulong.

Sa datos, nakapag-release na ng P3 million na halaga ng tulong ang DSWD sa nasa 1,340 displaced workers ng Boracay as of alas 9:00 ng gabi kagabi.

Sa unang araw ng pagsasara ng isla kahapon, 600 na aplikante ang agad dumagsa sa operation center ng ahensya at ang iba, alas 5:00 pa lang ng umaga ay nakapila na.

Maximum na P5,000 na transportation assistance ang ibinibigay ng DSWD sa makapapasang aplikante na nais umuwi sa kanilang home provinces.

Nagbibigay din ng meal allowance ang DSWD sa mga nawalan ng hanapbuhay.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Boracay Closure, Boracay Island, dswd, Financial Assistance, Boracay Closure, Boracay Island, dswd, Financial Assistance

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.