Paglagda ng kasunduan ng Kuwait at Pilipinas hindi muna matutuloy
Matapos ang pagpapatalsik ng Kuwaiti government sa ambassador ng Pilipinas, hindi muna matutuloy ang lagdaan ng kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait na layong maproteksyunan ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) doon.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano sa panayam sa kaniya sa Singapore, hihintayin nila ang magiging susunod na pasya at atas ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Matapos ang nangyari sinabi ni Cayetano na walang dahilan para irekomenda niya ang paglagda na sa MOU at pag-lift sa umiiral na deployment ban.
Umaasa naman si Cayetano na magiging maayos pa ang lahat ang malilinawan ang mga isyu.
Una nang sinabi ng Malakanyang na pagkatapos ng Ramadan ay magtutungo ng Kuwait ang pangulo para sa paglagda ng MOU.
Sa nasabing kasunduan inilatag ang mga kondisyon para maprotektahan ang kapakanan ng mga OFWs.
Ani Cayetano, humihingi na sila ng paglilinaw mula sa Kuwait kung bakit nito pinalayas si Ambassador Renato Villa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.