2 hinihinalang ISIS members naaresto sa Laguna

Arestado ang dalawang hinihinalang miyembro ng ISIS sa isinagawang pagsalakay ng mga otoridad sa dalawang bahay sa Cabuyao at Sta. Rosa City, Laguna.

Nadakip sa operasyon ng pinagsanib na pwersa ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga suspek na sina Jimuel Velasco Dizon alyas Amir at Eddie Boy Alejo Bermejo alyas Abdullah sa operasyong isinagawa sa Mabuhay Subdivision sa Barangay Mamatid sa Cabuyao at sa Celina Homes 5 Subdivision sa Barangay Tagapo, Sta. Rosa City, Huwebes ng gabi.

Armado ng search warrant ang mga otoridad mula sa San Pablo City Regional Trial Court 4th Judicial Region nang isagawa ang operasyon.

Nakuha mula unang bahay na sinalakay ang 1 fragmentation hand grenade, 1 IED, 1 kalibre 45 na baril na may 5 bala, 1 38 caliber revolver na may 3 bala, 1 laptop at 1 ISIS flag.

Sa ikalawang bahay nakuha naman ng mga otoridad ang 1 caliber 45 pistol Black Colt na may 1 bala, 7 pang live ammunition, 1 caliber 45 pistol semi stainless, 1 magazine para dito at pitong bala, 1 granada, 1 IED at isa pang bandila ng ISIS.

Ayon sa mga otoridad, natukoy na ang mga naarestong suspek ay miyembro ng grupong “Suyuful Khilafa Fil Luzon”.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...