Comelec magsasagawa pa ng mock elections

By Jan Escosio April 27, 2018 - 08:25 AM

Dahil sa mga nangyaring kapalpakan sa isinagawang ‘mock barangay and Sangguniang Kabataan elections’ sa Tondo, Maynila, magsasagawa pa rin ang Commission on Elections (Comelec) ng katulad na katulad na ‘eleksyon’ sa susunod na mga araw.

Ayon kay Comelec acting Chairman Al Parreno ito ay para maging pulido na ang lahat para sa eleksyon sa darating na Mayo 14.

Aniya sabay-sabay na ‘mock elections’ ang kanilang isasagawa sa mga rehiyon.

Paliwanag pa ng opisyal ito ay para sanayin na rin ang mga guro na magsisilbi bilang chairperson at miyembro ng Board of Election Tellers (BET).

Magugunita na sa ‘mock election’ sa Rosauro Elementary School sa Tondo, nagkahalo ang pagboto sa barangay at SK bagamat lumabas na nahalal bilang barangay chairman si ‘Ricardo Dalisay’ at SK chairman naman si Brandon Cabrera.

Ipinaalala pa ni Parreno na mano-mano ang botohan at pagbilang ng mga boto at huli itong ginawa sa bansa noong 2010.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Barangay elections, comelec, Mock Elections, Radyo Inquirer, sk elections, Barangay elections, comelec, Mock Elections, Radyo Inquirer, sk elections

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.