LPA, binabantayan ng PAGASA

By Jay Dones October 12, 2015 - 04:38 AM

Mula sa pagasa.dost.gov.ph

Isang low pressure area ang kasalukuyang binabantayan ng PAGASA sa labas ng Philippine Area of Responsibility o PAR.

Ayon sa PAGASA, may posibilidad na maging isang tropical cyclone ang naturang LPA na maaring makapekto sa bansa sa huling bahagi ng linggong ito.

Sakaling maging bagyo, tatawagin itong bagyong ‘Lando’ na magiging ika-12 bagyo na makakaapekto sa bansa sa taong ito.

Inaasahang iaanunsyo ng PAGASA ang deklarasyon sa naturang LPA kung ito ay magiging bagyo sa suusnod na mga araw.

Samantala, habang nasa dagat at malayo pa ang LPA, mananatili namang maaliwalas ang panahon sa bansa na may manaka-nakang thunderstorms at pag-ulan.

Ang dulong bahagi ng northern Luzon partikular ang Batanes, Calayan at Babuyan group of islands ay makakaranas ng bahagyang pag-ulan dulot ng tail-end ng cold front.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.