25 residente nakaligtas sa mudslide sa Bataan

Nailigtas ang 25 mga residente makaraang matabunan ng putik ang kanilang mga bahay sa Barnagay Pinulot, Dinalupihan, Bataan.

Ayon kay Mayor Gila Garcia, naganap ang mudslide matapos bumuhos ang malakas na ulan sa lugar Huwebes ng gabi.

Ilan sa mga residente ay kinailangang dalhin sa ospital matapos magtamo ng sugat sa katawan.

Maliban sa mga napinsalang bahay, bumigay din ang bakuran ng kalapit na eskwelahan.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na napinsala ng mudslide ang lugar.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...